adik sa scene-neh!

“madilim noon, malamig, maraming tao pero ‘di ko masyadong maaaninag, maraming bulungan at maraming bumubulagang ingay na ikinagugulat ko.”

tapos….

tapos….

tapos may ilaw sa harap ko,

kulay itim pero maliwanag,

lalong lumalakas ang ingay

hanggang….

hanggang may bumulagang imahe mula sa harapan

Universal Pictures

Universal Pictures

 

“ano kayang iniisip mo kanina?

wala ako sa isang nakakatakot na lugar kung saan kahit anong oras ay may masamang mangyayari sa akin

Ganyan ang scenario kapag nasa isang sinehan ka!


z4ad67fb8f02eb

Ano ba’ng ginagawa sa sinehan?

(cheezy)

malamang nanonood ng sine!

Pero iba’t-iba ang paraan ng panonood ng sine ang makikita mo sa iba’t-ibang uri tao….

☺para sa isang tipikal na taong nanonood mag-isa….

seryosong ninanamnam ang istorya ng palabas….

(all eyes on the screen)

☺para sa mga bata….

seryosong ninanamnam ang sarap ng popcorn….

(all eyes on the popcorn without looking on the screen)

☺para sa mga mas-syota….

nasusubuan ng popcorn habang ang magkabilang kamay ay magkaholding-hands at nagtititigan….

(ginagaya nila yung romantic scene)

☺para sa mga mag-asawa….

medyo sweet, nakatutok sa screen….

(sawa na mukha ng asawa)

☺at para sa mga matatanda….

may popcorn, nakatunganga sa screen, nakanganga at pikit ang mata….

(tulog na pala)

 

Sa MOVIE HOUSES

komportable, malinis (ows?) at maluwang

Kung sa deluxe ka manonood (upper class!)

175-200 php

at kung sa pang timawa naman

100-150 php (‘di na masama)

 

Maraming uri ng movie,,,

may

DRAMA (iyakan ba)

ROMANTIC (weeeeeh!!!, pang magkasintahan)

COMEDY (hagalpakan sa katatawanan)

ACTION (bakbakan)

HORROR (katatakutan, ito yung pinapanuod ng magkadate para maka-iskor si lalake)

at SUSPENSE THRILLER (lahat sila, takip mata,)


———————————————————————————————–

“maliwanag, ramdam mo ang simoy ng hangin, dinig mo ang kiskisan ng mga dahon at pagaspas ng mga ibon”

Oooops! iyan naman ang scene kung sa bahay ka lang manonood….

Depende sa’yo kung orig ang binili mo o yung tipong hahabulin ka ni Chairman Edu

Kung ORIG!

malinaw at clear ang tunog

may behind the scenes at yung mga deleted scenes

(yun nga lang mahal)

Kaya ano pang hinihintay mo? Punta ka na sa pinakamalapit na palengke at hanapin si Captain Hook!

Kung CAPTAIN HOOK!

swertihan kung makatyempo ng malinaw

garalgal (tapos na ang movie, wala ka pa ring naiintindihan)

may mga multong dumadaan sa screen (katakot, puro sila naka-itim)

[binili mo ng mura, 'wag kang umasa ng maganda]

Meron pa ngang 15-in-1 eh,sda halagang 60 php

(di pa lumalabas sa original dvd copies pero dito meron na!)

(san ka pa?)

Gaya sa sinehan, iba-iba rin ang paraan ng panonood ng mga kasama mong sinusulit ang biniling dvd….

(nakatitig si ate, kuya, nanay, tatay, lolo, lola, tito, tita, at pati ang inyong kapit-bahay)

Pero kahit sa sinehan man yan, sa orig na dvd o japeyks, isa lang ang gusto natin dito, ang entertainment.

Marami sa atin ang naging past time na ang panonood ng movies kahit pa anong genre ‘yan para ma-entertain.

Ako? hindi ako adik sa movies!

ayoko nga ng drama at action movies eh!

Pero, adik ako, ADIK na ADIK ako sa panonood ng scene-neh!

Oo, scene-neh.

Nakakatuwang pagmasdan ang iba’t-ibang reaksyon ng mga taong nanonood ng sine….

Di baleng di ko maintindihan ang movie, basta makita ko lang ang mga tao sa paligid ko na iba-iba ang ginagawa habang nanonood ng sine….

z4ad68af1b2af1

z4ad6869b98105


—————————————————————————–

another masterpiece of

OrLaN G. BriGinO

—————————————————————————–

Advertisement

2 Comments »

  1. ,,,,,,,,, Said:

    ,,,,,,
    interesting,,,,

  2. bsmgrouptwo Said:

    weeeeeeehhhh!!!!!

    ,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

    OrLaN


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.