INTRODUCTION. May kausap ako dito. Itago na lang natin siya sa pangalang ‘ORLAN’.
ORLAN:[sabay hampas sa balikat ko.]Oi. Ano’na topic mo sa second blog natin?
AKO:Aray naman! Adik sa libro,bakit?
ORLAN:’Yun na naman?! ‘Di ka ba nagsasawa d’un?
AKO:Kaya nga adik e. Naman oo..
Mga ka-blog, ang nagbabalik. ‘Eto na naman po.
Ang second blog ko ay tungkol ulit sa libro. Pero dito mga kaibigan, ii-specify ko na ang mga librong kinaaadikan ko.
Meron akong book collection. Well, ‘di naman siya gan’ung ‘kadami kasi ‘yun lang ang nakakayanan ko sa ngayon. Kabilang sa mga koleksyon ko ay mga tagalog romance pocketbooks, ang pinakamamahal kong Twilight Saga, at Harry Potter.
POCKETBOOK. Sa pagkakatanda ko, nagsimula ang pagka-adik ko sa pocketbook n’ung nasa first year high school ako at iyon ay dahil sa kagagawan ng aking bespren. Noong ina,’di ko alam na nagbabasa siya ng pocketbooks. Hilig kasi niyang magsulat ng mga kwento, imbes na siya ang nagbabasa, siya ang nagsusulat. Nalaman ko lang n’ung nagpahiram siya sa isa pa naming kaibigan. Rancho Estate series by Sonia Francesca, ‘yan ‘yung title.Na-curious ako kaya hiniram ko.N’ung nabasa ko, nagustuhan ko agad. Iba kasi magsulat si Sonia Francesca, ang pinakapeyborit kong writer ng pocketbooks, sa iba pang writers. Hindi katulad na ibang “FOR ADULTS ONLY” ang tema. P’wede talaga s’yang pang-teensna tulad ko. Kikiligin, iiyak, at patatawanin ka talaga at maaadik sa mga characters na gawa niya. Hindi namin nasundan ‘yung series kasi ‘di na naglabas ‘yung Schoolhaus na nasa tapat ng school namin. Nang makita ko naman sa Pandayan, ang source ko ngayon, ang Billionaire Boys Club series at si SoFra ang sumulat, bumili na ‘ko. At d’un nagsimula ang kaadikan ko.
Dumating ang Stallion series [ang pinakamahabang series ni SoFra kasama si Sofia, na umabot sa 53 books] at Calle Pogi series [10-book series ni SoFra na kasama naman si Keenee Alicante] na talagang sinubaybayan ko. Dati, mga novels lang talaga ni SoFra ang binibili ko. Pero dahil mabagal ang dating ng mga libro niya, sinubukan ko ang books ni Heart Yngrid.
Sa ngayon, may halos 60 pocketbooks na ‘ko sa koleksyon ko. Sabi n’ung iba, mag-book-for-rent daw ako. Sabi ko naman, ayoko. Nadala na kasi ako. Nagpahiram ako n’un tapos ‘di naman nabalik. Nakakainis para sa’kin kasi pinaghirapan ko din ‘yun kahit pa sabihing galing ‘yun sa baon na binibigay ng nanay ko. Siguro mga 20 books ‘yung ‘di na nabalik sa’kin.
TWILIGHT. Ang kaadikan ko naman sa Twilight ay nagsimula last year,n’ung senior ako sa high school. Dati wala talaga akong hilig d’yan. Naririnig ko lang sa mga klasmeyts ko. Siguro dahil d’un, na-curious ako, lalo na n’ung napanood ko ‘yung Twilight the movie. Ang astig, tungkol sa love story ng isang tao at vampires.
Hindi ko binili ‘yung apat na libro ng Twilight Saga[Twilight, New Moon, Eclipse, at Breaking Dawn], bigay lang sa’kin ‘yun ng ninang ko. Matagal na niya kong ‘di nabibigyan ng regalo kaya siguro bumawi s’ya sa’kin. Pero nagulat talaga ko n’ung buong series ang ibinigay niya sa akin, ineexpect ko lag ‘yung first book. Tuwang-tuwa ako n’un, kaya malaki ang pasasalamat ko sa ninang ko. Kung ‘di dahil sa kanya, wala siguro ang blog na ‘to.
Nang mabasa ko na ang apat na libro, lalong tumindi ang pagkaadik ko. Ginaya ko ang lettering ng title at gumawa ko ng sarilin kong notebook all about Twilight.Doon ko ginamit ang skills ko sa paglelettering. Kapag nag-iinternet ako, hindi ako nagoopen ng FS o FB tulad ng mga kabataan ngayon, kundi nagsesearch ako about Twilight. Naadik talaga ako sa mga ginawang characters ni Stephenie Meyer[ang writer ng Twilight Saga], lalo na sa mga bida ng kwento na sina Bella, Edward, Jacob, at ang Cullen family. Ngayon may bagong labas na book na The Twilight Saga official guide book, wala pa ‘ko n’un pero sana magkaroon ako.
HARRY POTTER. Iilan lang ang libro ko ng Harry Potter.Siguro ‘di na bihira sa mga teenagers na tulad ko ang maadik sa wizard na ito. Sa pitong libro, tatlo pa lang ang nababasa ko.Ang nabibili ko pa lang e Harry Potter and the Deathly Hallows, ang huling book. ‘Di ko maafford ‘yung ibang libro kasi masyadong mahal. Kaya ‘ayun, mga movies na lang ang pinapanood ko. At least alam ko ‘yung flow ng kwento sa series.
SA WAKAS. Sa pagkaadik ko sa mga libro na ito, halos sampung beses ko na silang nababasa lahat, lalo na kung favorite ko ‘yun. ‘Pag nakikita nga ako ng nanay ko sasabihin niya,”Hindi ka pa ba nagsasawa? Paulit-ulit na lang ‘yang binabasa mo.” Ngumingiti na lang ako. Wala e, gan’un talaga ang mga adik. Isa sa napakarami kong pangarap nag dumami pa ang mga libro sa koleksyon ko. ‘Yung para bang library sa sobrang dami. Weird ba? Gan’un ako kaadik. Pero kahit adik na adik na ‘ko, ayokong magpa-rehab. Ayokong mawalay sa mga libro ko. ‘Yun lang ang ang mga bagay na maipagmamalaki kong akin talaga.
Ang inyong ka-blog,
GENNA MARIE C. PADAWAN